North Avenue Station ako sumakay.
Nakahawak ako sa hand rail ng MRT. Wala na kasing maupuan kanina pa pagkasakay ko sa may Trinoma. Free ride na lang din ang laman ng prepaid card ko.
Quezon Ave Station... wika ng boses ng babae na biglang pinutol ang MRT radio.
Tumayo ang ale sa tapat ko at bumaba sa Quezon Ave station. Nakaupo rin... wala nang isip isip... kinuha ko na. Konti lang naman ang nakatayo eh. Hinga ako ng malalim... taft pa ang baba ko. Punta sana ako ng Mall of Asia para magliwaliw. Ang layo ano? Trip trip lang. Sawa na ako sa arcade SM North... sira sira na ang naghihingalong Percussion Freaks 5 nila. Maka pag DMV sa onting tao.
GMA-Kamuning Station... parang ang bagal ng daloy ng MRT ngaun. Siguro dahil medyo makulimlim ang langit. Nagbabadya ng ulan. Tumayo ang katabi kong lalaki kaya umurong ako doon sa dulo. Biglang may dumaan sa may pinto.
victoria's Secret ang amoy na yun ah... ung parang prutas na pagkabango bango... napalingon ako kasi paborito kong amoy un eh. White T-Shirt and Jeans ang suot nya. Maliit ang handbag. Ito ang mga una kong nakita.
Sabay upo siya sa tabi ko. Nilabas ko naman ang N73 ko para mag text. Valid reason naman eh. Tanong ako kung may taga konamix na dadayo ng MOA. Pag ikot ng phone ko, sabay baba ng cover ng camera at kunyaring hawak ko lang. Naka-Video ako saglit para makita ang hitsura ng katabi ko.
Cubao Station. Marami ang sumakay ngayon. Halos siksikan silang lahat sa harap ko.
Umaalingasaw ang Victoria's Secret sa ilong ko. Hindi ko na napigilan at napatingin ako sa kanya kunyari. Maganda siya... Obvious na brown ang mata nya. Konting tangos ng ilong... wala rin siyang make-up. Simple lang pero pamatay. Maputi, parang dark brown na wavy ang buhok na hanggang balikat lang ang haba. Nakikinig siya sa I-Pod nya na apple green ang kulay. Naka-case pa ito habang sinisilip nya ang susunod nyang pakikinggan.
Balik sa harap ang tingin ko. Mabango siyang sa mata at ilong ko. Bigla ko na lang ding naramdaman ang braso nya sa braso ko. Makinis ito... Dyahe... feeling ko ang baho baho ko tuloy. Tuloy lang ang pag-video. Maliwanag naman siguro ang kuha nito. Ang puti nya eh.
Santolan-Annapolis Station.
Konti lang ang bumaba ngayon. Sino naman ba ang bumababa dito? Ewan. Ayan nanaman ang amoy na iyon... Apricot. Victoria's Secret. Syet. Bigla ko siyang narinig na humikab... pati ba naman ang hikab nya kinahuhumalingan ko... Ang labo mo boy!
Bigla na lang nya akong kinalabit. Nagulat naman ako...
"Excuse me... pwede ba akong maki-text? Namatay ang phone ko eh..."
Pinakita nya sa aking ang telepono nya. Ewan ko kung ano model yun... Sony Ericson ata. Patay na nga... Ang ganda talaga nya. Pindot naman agad ako ng cancel call para pumunta ito sa menu. Auto-stop ang video for now... mahirap na baka mahuli.
Pinanood ko lang siyang mag-text at kunyaring hinihintay ko siyang matapos... ang totoo ay pinapanood ko ang makinis niyang kamay. Mabango din siguro ito. Masarap hawakan.
Ortigas Station na...
Inabot nya sa akin ang phone ko. "Salamat ha? Important kasi eh..." Ngumiti siya pero parang mayroong lungkot sa kanyang mga mata.
"Anything wrong?" Tanong naman ang lolo nyo.
"Wala naman... my little sister is sick at nagpaalam lang ako para magbihis at kumuha ng gamit. Kagabi pa ako sa ospital eh" may bahid ng pagod ang ilalim ng kanyang mga mata... pero kapansin pansin pa rin ang ganda niya...
"I see... Saang ospital?"
"Makati med... bababa ako sa may ayala mamaya para puntahan siya."
At diyan nagsimula ang aming munting kwentuhan.
Shaw Blvd Station.
Nalaman ko na nawalan ng control ang bisikleta ng kapatid... napunta sa lansangan at nabangga ng isang sasakyan. Nagbayad naman ang nakabangga, pero medyo critical ang kondisyon ngayon. Hindi pa gumigising mga dalawang araw na. Kasalanan daw nya ang lahat... nalingat daw siya dahil mayroong tumawag sa cellphone nya. Isang saglit lang daw ang kinailangan para mangyari ang lahat.
"Nakakatawa ano?" tanong nya bigla.
Boni Station... nagmistulang commercial dahil natahimik kami pareho.
Although tahimik naman ako habang pinakikinggan ko siya. Nawala na rin kasi ang libog na bumabalot sa utak ko. Nagsubside kumbaga. Pero nagagandahan ako sa kanya, at na-aawa pa rin dahil sa sakit ng nararamdaman nya ngayon.
"Gagaling din naman siguro iyon." Sabi ko kahit hindi ko alam ang tunay na kalagayan ng bata. "Pagdasal mo siya... malay mo, makinig si Lord." isa pa itong katawa-tawa dahil hindi na ako gaanong naniniwala sa Diyos. Tinutulungan ko lang siyang kumalma kahit papaano... may halo nga lang na pa-cute.
Guadalupe Station...
Dalawang station na lang at bababa na siya. Nahiya naman na akong hingiin pa ang pangalan nya. Sino naman ba ako at manghimasok sa buhay ng may buhay?
"Ako nga pala si Pao, ano pangalan mo?" nagtanong naman siya bigla
"Chad." Ngiti ako na parang shy na bata... nababasa nya kaya ang naiisip ko?
"Saan ka naman pupunta at nakasakay ka dito?" Tanong siya... para maiba siguro. Kinuwento ko sa kanya ang gagawin ko at pinakita ko sa kanya ang mga drumsticks ko.
"Bakit dalawang pares?"
"Depende sa kanta... pag mabilis ang beat nya, mas maganda pag maliit para hindi kaagad mangalay."
Kwento naman ako... tanong din siya ng tanong at inaliw ko na lang siya. Makalimutan man lang nya saglit ang problema nya.
Buendia Station. Commercial nanaman.
Ayan nanaman ang amoy na iyon... bahagyang bumalik ang libog ko... este, paghanga.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Gulat naman ang lolo nyo. Sinilip ko at mayroong unknown number na nagtext. Inabot ko sa kanya ito.
"May nag-reply... sa iyo ata." Inabot ko sa kanya ang cellphone. Tinignan naman nya. Biglang lumungkot ang mata nya...
"Anything wrong?" tanong ko sa kanya... inabot nya ang phone pabalik sa akin.
"Wala... it's nothing." Pinilit nyang ngumiti. "Lapit na pala ako bumaba. I had fun... enjoy your game okay?" Sabi nya sa akin. Inikot ko ulit ang phone ko at pinindot ang short-cut ng camera. Naka-video mode pa ito... pinindot ko ulit para mag-continue siya magrecord. Hanggang dito na lang siguro ang aming maliit na engkwentro. Tinutok ko na lang sa kanya...
Katahimikan lamang ang pumagitna sa aming dalawa...
Ayala Station. Parang deadline pag exam ang dating ng announcer nito. Please pass your papers... finished or not finished.
"Dito na ako bababa." Ngumiti siya at tumayo. "I saved my number in your contacts... text me sometime ok?"
Hinawakan ko ang kamay nya... malambot nga ito, pero iba ang amoy bigla... bakit ganoon? Amoy Clinique Happy... hindi ba sa kanya ang Victoria's Secret?
"Take this. Kukunin ko sa iyo yan ha?" Inabot ko sa kanya ang Zildjan jazz sticks ko. "Please smile okay?"
Ngiti naman siya na para bang nagsasabing 'I'll Try.'
"Bye"
At lumabas na siya sa pinto. Nakatutok pa rin ang phone ko kung saan siya umupo.
Sinilip ko ang video na nagawa ko. Hintay ako ng kaunti kasi medyo mahaba din ang video na ito. Saving Video Clip daw...
Nagmukhang candid camera... ang tanging alaala ko sa kanya... for now.
Pinagmamasdan ko ang mukha nya na parang baliktad sa screen ng aking cellphone. Medyo madilim pero pwede na... may kalakihan din pala ang boobs nya sa ganitong angulo. Buti na lang at maaliwalas sa tren. Para akong nag rewind ng ilang minuto sa buhay ko.
Nakakagulat nga lang...
May bangle ba siya sa kabilang braso? Parang wala akong napansin kanina. Pinagmasdan ko pa ng maige... parang mayroong kamay na nakahawak sa braso nya.
"Excuse me... pwede ba akong maki-text? Namatay ang phone ko eh..."
Biglang umikot ang phone at dumilim. Eto yung kanina ng nagkwentuhan kami tapos biglang tumuloy ng tahimik na siya. Kababasa nya pa lang ng reply ng nagtext kanina. Silipin ko din mamaya pagkatapos nito.
Parang may maitim na bilog sa tabi nya pero kapansin pansin pa rin ang maliit na kamay sa kanyang braso. Kinilabutan ako habang nanonood.
Parang may bata sa tabi nya... batang babae na nakahawak sa braso nya.
"Dito na ako bababa."
Tumayo siya... boses na lang ang naririnig ko... parang inaabot pa ng bata ang braso ni Pao at naiwan na siya sa upuan.
"I saved my number in your contacts... text me sometime ok?"
Nakatitig lang ako sa cellphone... Magallanes station na raw... hindi pa rin ako natitinag sa kakapanood...
"Take this. Kukunin ko sa iyo yan ha?"
"Please smile okay?"
"Bye"
Nakatutok lang ang phone kung saan siya umupo... nandun lang ang bata at parang ang lungkot lungkot niya... hanggang sa umikot ulit ang video at tumigil na ito.
Wala pang umuupo sa tabi ko dahil kaunti na lang ang tao sa MRT paglagpas ng Ayala...
Sinilip ko ang huling message na pumasok.
"Wala na si bunso-Mom"
Tinignan ko ang message na pinadala nya.
"Papunta na me jan, matay fne ko. pkisabi kay bunso dala ko paborito nyang pabango-Pao"
Buong katawan ko ay biglang nanghilabot... naamoy ko nanaman ang apricot...
Pagsilip ko sa aking kanan ay...
May batang nakatingin din sa akin.
Taft Avenue Station... wika ng speaker ng MRT.
Wednesday, December 26, 2007
M.R.T (isang maikling kwento)
Monday, December 24, 2007
A Clown's Job (a sad reality)
I went to the circus the other day. Clowns with painted smiling faces. I never got over my phobia of clowns since my elementary days but come to think of it I never knew the reason behind my fear. I never even tried rationalized. Maybe it’s because of those fake smiles plastered across their faces like the world is one jolly theme park with no problems. I think that was kind of creepy since in reality life was never that easy.
And so the jolly clowns juggled and hammered each other and the crowd roared with laughter my date started laughing too. Such silly tricks and in my increasing irritation I stuffed popcorn on my mouth and chewed meditatively totally ignoring the show for I already lost interest.
I remembered when I was a kid my younger cousins were so excited about the clowns coming over to the party. Showing magic tricks and profoundly corny jokes that they find really enthusiastic. I kept a few good distance away from the clowns without showing my fear. I have my pride after all. But then after the party was over I realized I never did enjoy the rest of the show. That night I asked my Mom why clowns are so scary. My mother just said “you don’t have to be afraid. They are also humans too. They just wanted everyone to be smiling and laughing with them and enjoying the show.”
The crowd roared with laughter as the clowns chased each other with their tiny mallets clobbering each other. I wasn’t funny really, just stupid. And yet, I was stupid too. The girl beside me was cheating on me. I know and yet I have to place a plastered smile and I fooled everyone that there was nothing wrong. I was even fooling my self. I smiled, yes, after all I was also a clown performing at my own stage.
And so the jolly clowns juggled and hammered each other and the crowd roared with laughter my date started laughing too. Such silly tricks and in my increasing irritation I stuffed popcorn on my mouth and chewed meditatively totally ignoring the show for I already lost interest.
I remembered when I was a kid my younger cousins were so excited about the clowns coming over to the party. Showing magic tricks and profoundly corny jokes that they find really enthusiastic. I kept a few good distance away from the clowns without showing my fear. I have my pride after all. But then after the party was over I realized I never did enjoy the rest of the show. That night I asked my Mom why clowns are so scary. My mother just said “you don’t have to be afraid. They are also humans too. They just wanted everyone to be smiling and laughing with them and enjoying the show.”
The crowd roared with laughter as the clowns chased each other with their tiny mallets clobbering each other. I wasn’t funny really, just stupid. And yet, I was stupid too. The girl beside me was cheating on me. I know and yet I have to place a plastered smile and I fooled everyone that there was nothing wrong. I was even fooling my self. I smiled, yes, after all I was also a clown performing at my own stage.
Subscribe to:
Posts (Atom)