Friday, November 23, 2007
Thursday, November 1, 2007
Usapang utot
Alam nyo ba na maraming klase ng utot? Oo, totoo. Maraming klase ang utot, merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue. Ano-ano ba ang mga utot na to? Ipapaliwanag ko sa inyo isa-isa.
Ang utot na walang amoy. Ito ang pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog, para naring hindi ka umutot kaya ok lang kung mautot ka sa isang lugar na maraming tao gaya ng sa pila sa counter ng Jollibee paglunch.
Ang utot na mabaho. Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot! Gaya nalang ng kwento ng kaibigan kong si Sherwin delos Santos (hindi nya tunay na pangalan). Tumira sya sa isang hotel ng medyo matagal dahil sa trabaho. Crush nya yung babae sa front desk at di nagtagal e nagbabatian narin sila dahil araw-araw silang nagkikita. Minsan, nagkasabay sila sa elevator, silang dalawa lang. So sa isip ni Sherwin, “Yes! This is my chance!”. Makikipag-usap na sana sya sa babae ng mautot sya. Ng mabaho. Inilabas ni Sherwin ang kanyang rosario at nagdasal syang maglaho sya ng parang bula.
Ang utot na malakas. Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Pero depende sa situasyon e pwede itong pagmulan ng isang magandang tawanan. Pwera nalang kung pakshet sa arte ng mga parating kasama mo at “Eeeeew” lang magiging reaksyon nila sa tuwing uutot ka ng malakas.
Ang utot na mahina. Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Kung utot na mabaho naman, pwede paring makalusot, wag lang na dadalawa kayo sa elevator gaya ng kay Sherwin (hindi parin tunay na pangalan).
Ang utot na makapal. Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabuhong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi sa officemate ko “Bat ambaho?”.
Ang utot na may kasama. Ito ang pinakabadtrip na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM o mga first time mag Xenical.
Ang utot na blue. Hindi ko alam kung san to nagmula pero nung college, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya may sumisigaw ng “Utot mong blue!!!”.
Sa ngayon yang pitong klase ng utot palang nag nararanasan ko at ng mga kaibigan ko. Kung may bagong klase akong nadiskubre, papa-alam ko sa inyo agad! :)from http://greenpinoy.com/?p=293
For sale different stuffs
Panty na may Hello Kitty design, limang piso lang! Kaya nga lang, nangangalmot.
Meron ding panty na Snoopy naman ang design, limang piso lang rin, ito baka magustuhan nyo kasi nandidila.
Bra , anim na piso lang! Kaya lang long sleeves.
May isa pang bra, ito tatlong piso lang. Pero nagiging kamay pag gabi.
Pantyhose murang mura at four pesos! Pero baggy.
High heels bente lang! Kaya lang ang takong nasa harapan.
Plancha! Singkwenta pesos lamang! Hawakan ang umiinit!
Wheelchair ibinebenta ko ng dalawang daan. May kasamang lola!
Itong isa pang wheelchair dalawang daan din, walang lola. Pero de pedal.
Damit ng magnanakaw, isang daan isang set ng pantaas at pantalon! Kaso glow in the dark.
Bathing suit ng chika babes bente lang! Gawa sa maong.
Contact lens limang piso isang pares! Kaso may glitters.
Bagong Eye-Mo walong piso lang kada bote. Kaya lang, roll-on.
Helicopter singkwenta mil lang! Yung katawan ang umiikot.
Pres.GMA quiz
The Presidential Quiz
1) Sa larawang ito, si Gloria ay:
a. nag-o-orgasm
b. nag-o-orgasm
c. nag-o-orgasm
2) Dito sya ay:
a. sumasayaw ng Boom Tarat Tarat
b. sumasayaw ng I-taktak mo
c. nanggugulat
3) Bad trip sya dahil:
a. may mga paparazzi pero di sya pinapansin
b. napaparanoid syang may papatay sa kanya
c. narealize nyang hindi na sya tatangkad
4) Sabi ni Gloria “Ako si…”
a. Spiderman!
b. Harry Potter!
c. Ina Magenta!
5) Ang kilos na ito ay:
a. nanunumpa sa tungkulin
b. mananampal ng katulong
c. papatay ng lamok
6) Nagdarasal si Gloria na sana…
a. tumaas ang popularity rating nya
b. makahanap na sya ng ibang asawa
c. wala sanang gumawa ng mga ganitong quiz tungkol sa kanya.
one on one
Round 6! Hulaan nyo ang mananalo!
Wednesday, April 11th, 2007Dance Moves. Advantage: Mystika
Dami ng retoke. Advantage: Tight decision, pero si Madam Auring.
Dami ng chinchunsu. Advantage: Tie
Killer kuko. Advantage: Mystika
Bolang kristal. Advantage: Madam Auring
Boobs. Advantage: Madam Auring
Mukang bading. Advantage: Mystika
Pagbubuntis. Advantage: Madam Auring
Boy toy. Advantage: Madam Auring
And the winner is…Madam Auring! Talagang nga namang may asim pa sya!!!
Posted in pinoy celebrity death match! | No Comments »
Round 5 na no? Opo mga ate, mga kuya!
Wednesday, April 11th, 2007Nunal. Advantage: Tie
Maria Leonora Teresa. Advantage: Nora
Asawang walang bayag. Advantage: Gloria
Love team. Advantage: Nora
Impersonators. Advantage: Nora
Height. Advantage: Mura
Jail Time. Advantage: Nora
Kakalibog factor. Advantage: Tie, parehong wala.
Ngongo effect. Advantage: Gloria
Himala. Advantage: Nora
Kapatid na hindi baboy. Advantage: Nora
And the winner is…Nora!!! Wala, walang himala! Pero merong magic!
Posted in pinoy celebrity death match! | No Comments »
Round 4! Mano y Mano!
Wednesday, April 11th, 2007Boyfriend. Advantage: Boy
Pagpipilit na umastang lalaki. Advantage: Butch
Appeal sa ibang bading. Advantage: Tie, parehong wala.
TV shows. Advantage: Boy
Fashion sense. Advantage: Sige na nga, si Boy na.
Mas lalaking pangalan. Advantage: Boy (Boy nga diba?).
Magic Mirror. Advantage: Boy
Magic dildo. Advantage: Butch
And the winner is…Boy Abunda!!! You go girl! Ay, boy pala. You go Boy!
Posted in pinoy celebrity death match! | No Comments »
Round 3! Diva kung Diva!
Wednesday, April 11th, 2007
Bato. Advantage: Zaturnnah
Bahag. Advantage: Darna
Sidekick. Advantage: Tie
Pelikula. Advantage: Darna
Mga kalaban. Advantage: Dahil sa higanteng palaka, Zaturnnah
Boobs. Advantage: Darna, Anjanette Abayari version
Pekpek. Advantage: Darna
Etits. Advantage: Zaturnnah
Lovelife. Advantage: Zaturnnah
Hair color. Advantage: Zaturnnah
And the winner is…Zaturnnah! Etits by day, pekpek by night!
Posted in pinoy celebrity death match! | No Comments »
Round 2! Bakbakan na!!!
Wednesday, April 11th, 2007
Sex video. Advantage: Mahal
Mga boyfriend (Jimboy, Jimboy, I love you!) Advantage: Mahal
Height. Advantage: Mura
Subtitles. Advantage: Mahal
Role sa Lord of the Rings 4: Hobbits Take over Middle Earth. Advantage: Tie.
Ginawang sipa ni Kingkong ng nag-grass skirt. Advantage: Mahal
Etits (kahit maliit lang). Advantage: Mura
And the winner is…Mahal! Etits lang linamang ni Mura, di pa ganon kalaki.
Posted in pinoy celebrity death match! | No Comments »
Round 1!
Wednesday, April 11th, 2007Ang chocolate, nakakagana, si tsokoleyt, nakaka-walang gana!
Ang chocolate, mas masarap pag mahal, si tsokoleyt, masarap murahin!
Ang chocolate, matamis, si tsokoleyt, mukang mapakla!
Ang chocolate, masarap kainin, si tsokoleyt, masarap patayin!
Ang chocolate, pampa-in love, si tsokoleyt, pampabwisit!
Ang chocolate pag nasobrahan ng kain, magtatae ka, si tsokoleyt, mukang jebs lang talaga.
Ang chocolate, brown, si tsokoleyt, negra.
Ang chocolate, nakakataba, si tsokoleyt, baboy!