Thursday, November 1, 2007

Usapang utot

Alam nyo ba na maraming klase ng utot? Oo, totoo. Maraming klase ang utot, merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue. Ano-ano ba ang mga utot na to? Ipapaliwanag ko sa inyo isa-isa.

Ang utot na walang amoy. Ito ang pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog, para naring hindi ka umutot kaya ok lang kung mautot ka sa isang lugar na maraming tao gaya ng sa pila sa counter ng Jollibee paglunch.

Ang utot na mabaho. Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot! Gaya nalang ng kwento ng kaibigan kong si Sherwin delos Santos (hindi nya tunay na pangalan). Tumira sya sa isang hotel ng medyo matagal dahil sa trabaho. Crush nya yung babae sa front desk at di nagtagal e nagbabatian narin sila dahil araw-araw silang nagkikita. Minsan, nagkasabay sila sa elevator, silang dalawa lang. So sa isip ni Sherwin, “Yes! This is my chance!”. Makikipag-usap na sana sya sa babae ng mautot sya. Ng mabaho. Inilabas ni Sherwin ang kanyang rosario at nagdasal syang maglaho sya ng parang bula.

Ang utot na malakas. Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Pero depende sa situasyon e pwede itong pagmulan ng isang magandang tawanan. Pwera nalang kung pakshet sa arte ng mga parating kasama mo at “Eeeeew” lang magiging reaksyon nila sa tuwing uutot ka ng malakas.

Ang utot na mahina. Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Kung utot na mabaho naman, pwede paring makalusot, wag lang na dadalawa kayo sa elevator gaya ng kay Sherwin (hindi parin tunay na pangalan).

Ang utot na makapal. Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabuhong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi sa officemate ko “Bat ambaho?”.

Ang utot na may kasama. Ito ang pinakabadtrip na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM o mga first time mag Xenical.

Ang utot na blue. Hindi ko alam kung san to nagmula pero nung college, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya may sumisigaw ng “Utot mong blue!!!”.

Sa ngayon yang pitong klase ng utot palang nag nararanasan ko at ng mga kaibigan ko. Kung may bagong klase akong nadiskubre, papa-alam ko sa inyo agad! :)


from http://greenpinoy.com/?p=293

No comments: