Thursday, November 1, 2007

Usapang Lalaki

Usapang Lalaki

*gabi. usapang lalaki*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*

Musta na bestfriend? Ako, ok lang. Nagmumuni-muni. Nagiisip. Kadalasan talaga may mga bagay ng mahirap intindihin.

Ewan ko ba.

Bakit ba ganun, ilang beses ko ng pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalaki ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng magdesisyon para sa atin kapag nagtapat tayo ng pagmamahal sa kanila? Eh yung hirap na ginagawa natin pagsa-survey para malaman kung ano talaga ang intensyon nila at gusto nila sa isang guy? Ang feeling ng masaktan pag nalaman nating pinaglalaruan lang tayo? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga desisyong ginagawa natin eh. Ang alam lang ata nila eh liligawan sila, magpapa-asa, mang-trip, at magsaya.

Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi namang ganun eh. Una pa lang nahihirapan na tayo. Tingnan mo, pag may gusto tayong babae hindi naman natin masabing "hoy ! tayo na ha" o kaya "hoy! Ako na lang boyfriend mo". Ang pwede lang nating gawin eh mag-pa cute, magpapansin. Tulungan sya sa lalakeng gusto nya. Pag minalas-malas pa eh BESTFRIEND pa natin yun. Magmumukha kang tanga kaka-imagine na
sana ikaw na lang yung nagustuhan nya. Buti pa sila, pipili lang ng manliligaw... liligawan... gagawa ng paraan na medyo magpakipot...then, kanila na agad yung gusto nila. At yun ay dahil sa tulong natin! Diba masakit yun? Kung minsan pa, paaasahin lang pala tayong mga lalake... na dapat maging sunud-sunuran tayo sa mga gusto nila, kasi nga alam nilang mahal natin sila. Tayo namang mga tanga, akala natin totoong-totoo na. Konting lambing lang at oras na ibinigay nila, tuwang-tuwa na agad tayo. Ewan ko ba ba't napaka-assuming nating mga lalake...Kaya minsan kahit mahal na mahal na mahal na mahal mo na yung girl malaman mo lang na laro lang sa kanya ang lahat, magdedesisyon tayong iwan at iwasan na sya. Pero sa huli tayo pa rin ang iiyak!!!

Wala tayong magagawa. Marami silang palusot. Minsan huling-huli na sa aktong may katext na iba eh itatanggi pa. Anak naman ng putsa...kesyo "kasama ko sa trabaho", "kaibigan ko", "customer namin", "boyfriend ng kapatid ko", at ang gasgas na "pinsan ko!!!".


"I will give you space to think it over"...yan ang lagi nilang sinasabi pag medyo nanlamig tayo. Akala nila eh meron na tayong iba....kung gano kadali sa kanila ang magpalit, hindi kaya nila alam na yun ang pinakamahirap nating gawin dahil sobrang emotional tayo kapag talagang tinamaan ni kupido...na hangga't maaari hindi natin papakawalan ang babaeng mahal natin...aba! Alam kaya nila ang realidad ng ratio ng lalaki sa babae?

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang yon, sa first month ng relationship I agree na malambing pa yang mga yan. Kesyo, aasikasuhin tayo. Susubuan pa kapag kumakain kayo ng sabay. Magbibigay ng t-shirt, wallet at loveletter/card. Akala mo maamong tupa. Pero pag na-late tayong minsan sa date, ang haba ng sermon at dakdak. Daig pa natin ang nagsimba at umattend ng novena. Ang daming ipagbabawal, dinaig pa ang sentensya ng reclusion perpetua at bitay...Tapos pati suot natin na dati wala silang pakialam eh pupunahin na. Tayo naman, magsusunod na lang pra walang pagtatalo. Manghihinayang na lang sa mga hikaw na binili natin. Ultimong Henna Tattoo na lang, sistahin pa! Bawal ang FHM, bawal ang long hair, bawal ang may punit na pants...aba! Daig pa ang mga nanay natin kung magbawal! Kelangan lagi maayos at pormal para wala masabi ang mga magulang nila sa atin. Sayang naman ang 2 taong pinagwork natin na ibinili pa natin ng mga bagay nayun tapos ultimano ipagbabawal nila! Nawawalan na tayo ng karapatan para sa sarili natin, feeling natin, hndi na tayo kung sino tayo dahil sa pagbabawal at pagbabago nila sa atin.

Sila? May ipinagbabawal ba tayo sa suot nila? Ummm... Teka, isipin ko… meron din naman, lalo na ung masyadong daring.

Para naman sa kanila yung pagbabawal natin, dahil ayaw natin sila mabastos, pagnasaan ng mga nagkalat na manyak at lalo na ang magahasa! Negative at kontra-bida dating natin kapag medyo nasabihan mo sa mga damit nila. Hindi nila naiisip na pinoprotektahan lang naman natin sila sa masasamang elemento at mapagsamantala.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos bestfriend, dahil tayo yung lalake at sila daw ang nagdadala ng relasyon, minsan napapansin mo bang wala ng patutunguhan ang lahat? Dahil mas gusto nilang sumama sa barkada nila kesa saten. Wala tayong oras pumunta sa bar kasama ang mga kaibigan nya...at alam nating hindi sila masaya ng may boyfriend silang katabi o kasama kasi hindi sila makakapagpacute, makakapagpapansin sa mga adan na umaaligid sa kanila. Minsan kung tutuusin, sakit sa ulo..pero dahil mahal natin, nagiging bingi at bulag na lang tayo.

*hinga ng malalim*

*hitit sa yosi*

*buga*

Pero alam mo, tayong mga lalake, mas sincere magmahal. Kase tayo yung sweet, tayo yung caring, thoughtful, tayo yung concern sa kanila, tayo yung understanding. Hindi lang nila alam na kapag tayo ay totoong nagmahal, wagas at dakila. masyado nila kasi gine-generalize ang mga lalaki. iniisip nila lahat na ng lalaki pare-pareho, eh pano tayong mga totoo at matino? Unfair hndi ba? Kung lahat ng feelings na ininvest natin sa kanila eh ininvest natin sa stock market....mayaman na tayo...Mas mature daw sila...siguro kase ginagawa natin silang baby...hindi ba? Seloso lang tayo at yun ang natural din sa lalake...kaya lang ang hirap isipin kapag nagseselos tayo, sasabihin nila kesyo napakaseloso natin...kapag hindi naman tayo nagpakita ng pagseselos ang punchline ng mga putsa..."hindi mo siguro ako mahal dahil ni hindi ka manlang nasasaktan" or “napakamanhid mo naman!”...saan kaya tayo lulugar? Bakit pa kelangan nila tayo pasakitan para lang malaman nilang mahal natin sila?

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

*hitit na naman sa yosi*

*buga ulit*



At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ito, either may nakita silang lalaking mas macho, may abs o mas pinili nila ang barkada nila. Syempre hindi aamin ang mga yan...gagawa na lang sila ng bagay na ikaiinis natin at paulit-ulit nilang gagawin yun. Tingnan mo, pag lagi silang late o kaya laging may rason pag may date...alam na natin yun...ibig sabihin nun busy sya sa ibang
bagay. Sa pisngi ka na lang nyan hahalikan!!! Pag tumama yan sa oras ng date, obserbahan mo kasi tyak na nag-aalumpihit yan pauwi ng bahay kesyo kelangan umuwi sya ng maaga kasi may ipapagawa ang mommy nya o kaya may pinapatapos ang daddy nya. Kahit yata aso nyan na hindi pa kumakain eh idadahilan nyan. Madalas mo marinig sa kanila na tayong mga lalaki mahilig mangaliwa, mamBABABAE. Bakit, ang mga babae ba hindi na rin nangangaliwa ngayon? Hindi rin ba sila nanLALALAKI? pero aaminin ba nila yan, NEVER! lagi nila pino-project ang clean, demure, innocent chikka charing chuvanes image nila. Tapos babanatan ka pa ng dialogue na "kami ang laging talo sa huli". Haller? as if noh!

*iiling*

*singhot*

Syempre, dahil ganon na ang takbo ng relasyon, feeling natin kontrabida na tayo sa buhay nila. Feeling natin hindi na tayo mahalaga. Dahil ang RELASYON para sa atin ay ORAS... kelangan may oras sila at kelangang may oras para pagusapan ang future...pero pag nawalan na sila ng gana sa relationship... lahat ng oras nila kakainin ng dahilan na hindi nila mawari kung saan huhugutin!

2 comments:

Anna Luisa said...

hindi naman bias yan noh? hehe...

RaP said...

di ah..hehe